Legalidad ng muling pagpapaliban ng BSKE, pinapabusisi ni Sen. JV Ejercito

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na nararapat na pag aralan muna ng kongreso kung legal ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at Sanggunian Kabataan elections

Ayon kay Senador Ejercito,  bagamat nasa kapangyarihan ng Kongreso ang suspensyon ng election pero mahalaga na suriin muna nila kung pasok ang krisis sa langis sa itinakdang guidelines ng korte suprema pagdating sa pagpapaliban ng halalan

Kinuwestyun ni Ejercito, na pang ilan na itong suspensyon ng Brgy at SK elections na nakatakda sana sa November 2

Giit ng senador , marami sa ating mga kababayan ang gusto nang makapili ng susunod nilang barangay officials

Baka din anya may mga kabataan ang mapagkakaitan ng oportunidad na makapaglingkod at lampas na sa “productive years”.

Sayang anya kung malampasan o’ mapagkaitang maglingkod dahil sa panibagong suspension ng barangay at SK elections ang mga posibleng maging mahusay na lider ng Sangguniang Kabataan. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...

Modernong correctional facility sa Nueva Ecija, sinimulan na

Pinangunahan ng Bureau of Corrections o BuCor ang groundbreaking ng bagong correctional facility sa Palayan City, Nueva Ecija. Nagkakahalaga ito ng 470 milyong piso at...

117 ARB sa Occidental, Mindoro pinagkalooban ng titulo at nakinabang sa Condonation Program

PERSONAL na tumanggap ang may 103 Agrarian Reform Beneficiaries mula sa 7 bayan sa Occidental Mindoro ng 117 Electronic Land Title (e-Itles) sa ilalim...

Kalsada na nag-uugnay sa nasusunog na Navotas landfill, natapos na

SINABI ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na natapos na nitong weekend ang kalsada na konektado sa dating Navotas Sanitary Landfill Facility (NSLF)...

Cellphone ng empleyado ng Manila City Hall na magpa-flag ceremony, tinangay; Snatcher nakorner

Isang empleyado ng Manila City Hall ang nabiktima ng snatching na dadalo sana sa flag raising ceremony kaninang umaga sa Kartilya ng Katipunan, malapit...