Matapos isyuhan ng arrest warrant, Barzaga boluntaryong sumuko

Share

BOLUNTARYONG sumuko si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga sa Dasmariñas Component City Police Station kaninang alas-6:59 ng gabi.

Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest si Presiding Judge Karla Regina Valera-Chua ng Makati City Regional Trial Court Branch 147 laban sa mambabatas.

Kaugnay ito sa walong bilang ng cyberlibel na isinampa laban sa kanya nina Rep. Rolando Valeriano ng Maynila, House Deputy Speaker Ronaldo Puno ng Antipolo City at negosyanteng si Enrique Razon.

Itinakda ng korte ang piyansa sa halagang apatnapu’t walong libong piso sa bawat bilang ng kaso o may kabuuang P384,000.

Nag-ugat ang nasabing kaso nang sinabi ni Barzaga noong Enero 9, 2026 na tumanggap umano ng “suhol” ang ilang mamababatas na kabilang sa National Unity Party (NUP) mula sa negosyante bilang kapalit ng suporta kay Rep. Martin Romualdez noong 2025 para manatiling Speaker ng Kongreso. (AR BERNARDO)

BASAHIN  Bill na naglalayong maiwasan ang teenage pregnancy, inaprobahan 500 teenagers, nabubuntis bawat araw

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

China ang intruder, hindi Pilipinas – DFA

MARIING sinagot ng Pilipinas nitong Huwebes ang akusasyon ng China ang nag-trespass opumasok sa teritoryo ng kanilang bansa ang BRV Conrado Yap nang walang...