Lalaki na nagpakalat sa sensitibong video ng menor-de-edad inaresto ng NBI

Share

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang isang lalaki sa Maynila matapos umanong ilegal na i-access at ipakalat ang sensitibong video na kinasasangkutan ng isang menor de edad.

Ayon sa NBI, isinampa ang reklamo noong Pebrero 20, 2026 kaugnay ng paglabag sa Republic Act 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act, at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa imbestigasyon, nangyari umano ang insidente noong Pebrero 7, 2026 sa isang birthday party.

Ginamit umano ng suspek ang cellphone ng biktima sa pag-aakalang kukuha lamang ng litrato, sa halip pinasok nito ang isang pribadong folder at nakuha ang sensitibong video ng biktima na kuha pa noong siya ay menor de edad.

BASAHIN  Senior, 4 iba pa huli sa ₱2.7-M buy-bust ng Rizal PNP

Lumabas sa ulat na ipinadala ng suspek ang naturang video sa pamamagitan ng Facebook Messenger at kalaunan ay ipinakalat pa sa group chat na naging sanhi ng mabilis na pagkalat nito sa kanilang barangay at paaralan.

Sa isinagawang cyber surveillance, natukoy ng NBI-CCD ang lokasyon ng suspek sa Sikat Street, San Miguel Maynila. Dito isinilbi ang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data.

Narekober sa operasyon ang mga digital na ebidensya na tumutukoy sa ilegal na pag-access at pagpapakalat ng naturang materyal.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor ng Maynila. (AR BERNARDO)

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Martin Diño, 66, pumanaw na

SI dating Interior undersecretary na si Martin Diño ay pumanaw na noong Martes, sa edad na 66dahil stage IV lung cancer. Ayon sa kanyang anak...