LGU auditors hinimok ng dating audit chief na gawing price reference ang presyo ng mga electric minibus na binili ng Pasig City

Share

HINIMOK ni Heidi Mendoza, dating hepe ng Commission on Audit ang lahat ng mga local government unit auditors sa bansa na gawing price reference ang P3,989,600 per unit na halaga ng limang minibus na binili ng local na pamahalaan ng Pasig City.

Ayon sa social media post ni Mendoza, natutuwa umano siya dahil hindi itinatago ang presyo kasi totoo at walang kupit.

“Gusto ko ngang mag suggest sa auditors…pwede nyong gamiting price reference para madaling ma establish ang overpricing sa ibang govt agencies,!” ang pahayag ng dating commissioner.

Sinabi pa ni Mendoza na kung sa ibang LGU ito, maaaring ang kinakareer ng mga opisyal ay kung magkano ang “hatian” na tumutukoy sa karaniwang nangyayari kapag may kurapsyon.

“Dito, [y]ong pag-aayos ng ToR! Kritikal kasi ang planning sa proseso ng [p]rocurement!

Ano yung ToR? Terms of Reference! Maingat sila sa paglalatag ng needs and specifications, yung requirements para malinaw sa mga gustong mag bid na mga suppliers,” dagdag pa ng dating senatorial candidate.

“Meron din silang Project Mgt Office dahil malaki ang procurement transactions nila, [b]ukod pa ang Contract Review and monitoring. At gumagana rin ang blocklisting… san pa kayo,?” ayon pa kay Mendoza.

BASAHIN  Pangalawang graft complaint laban kay Mayor Vico, 3 iba pa isinampa sa Ombudsman

Panghuli, hinikayat ng dating hepe ng COA ang sinumang nagnanais ng maayos na pamamalakad sa pagsasabing “share natin para ma pressure na gumaya at gumawa ng tama ang bawat sangay ng pamahalaan lalo na ang mga lokal magmula sa ating barangay!”

Matatandaan na inanunsyo kahapon ni Mayor Vico Sotto na dumating na ang limang electric minibus na binili ng local na pamahalan na nagkakahalaga ng P3,989,600 bawat isa.

Ayon kay Sotto, gagamitin ito ng Pasig transport department para programang Libreng Sakay kung saan bibiyahe umano ito bilang pilot test sa mga rut ana wala pang dumadaan na pampublikong sasakyan.

Layunin aniya nito na malaman kung ang nasabing mga ruta ay posibleng magiging regular na dadaanan ng mga pampublikong sasakyan kung may sapat na pangangailangan.

Sina Sotto at Mendoza ay kilala sa kanilang adbokasiya kaugnay sa pagsugpo ng kurapsyon sa bansa.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Ease of Paying Taxes Act, nilagdaan ni Pangulong Marcos

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act No. 11976 o ang Ease Of Paying Taxes Act, na layong palakasin pa ang ekonomiya,...