UMABOT sa ₱4.5 mlyong halaga ng sigarilyo ang ipinuslit sa isang concrete mixer truck sa Maguindanao del Norte, Enero 17, 2026, Martes.
Ayon sa ulat ng pulisya, itinago umano ang mga ipinuslit na sigarilyo sa loob ng drum ng mixer truck na nakalagay sa mga karton.

Nabuking ang nasabing ilegal na gawain nang may nahulog umano na karton mula sa mixer truck nang harangin ito ng mga pulis sa isang checkpoint.
Kaagad namang inaresto ng mga otoridad ang driver at pahinante ng concrete mixer truck na pawang mga residente ng Zamboanga City.