Home News Palasyo Robredo-Dizon vs Duterte-Marcoleta tandem sa 2028?

Robredo-Dizon vs Duterte-Marcoleta tandem sa 2028?

0
Tarpaulin nina Mayor Leni Robredo at Secretary Vince Dizon na kumakjalat ngayon sa Cebu.

KAPANSIN-PANSIN ngayon sa Cebu City ang nagkalat na mga tarpaulin kaugnay sa posibleng maging tandem sa 2028 presidential election kung saan makikita ang mukha at pangalan nina dating presidential candidate at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon.

Wala pang opisyal na pahayag sina Robredo at Dizon sa nasabing isyu ngunit kung pagbabatayan ang huling naging pahayag ni Robredo, sinabi nito na hindi umano makatuwiran sa mga Bicolano kung tatakbo siyang president matapos itong manalo sa pagka-alkalde.

Natatawa naman si Dizon sa mga huling pahayag nito kapag tinatanong ng mga mamamahayag kung it oba ay tatakbo sa 2028 election matapos maging usap-usapan ang pagiging mahusay nito sa paggawa ng solusyon lalo na sa ginagawa nitong inspeksyon sa mga ginagawang imprastraktura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Matatandaan na naging matunog ang pangalan ni Dizon noong ito’y naninilbihan pa bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) kung saan nakilala siya s amabilis na aksyon s mga isyu ng departamento at mga attached agencies nito.

Partikular na ang isyu sa plaka ng mga sasakyan sa ilalim ng Land Transportation Office (LTO) na deka-deka nang nakatengga at hindi pa naipapamahagi sa mga may-ari ng sasakyan.

Lumitaw din ang isyu na mabagal ang paggawa ng mga plaka kung kaya gumawa ito ng paraan kung paano mapapabilis.

Sa ngayon, wala pang napipisil ang oposisyon o sa ibang salita ay mga “Dilawan” o “Pinklawan” kung sino ang pambato nila sa 2028 maliban kay Robredo.

Sa isa namang panayam kay Vice President Sara Duterte matapos niyang opisyal na ihayag ang kaniyang pagtakbo bilang pangulo sa 2028, sinabi nito na may nakausap na umano siya na magiging ka-tandem niya bilang pangalawang pangulo.

Sinabi niya na ang magiging papel aniya ng kaniyang VP ay ang habulin ang mga kurap na opisyal, kasuhan at ipakulong.

Kaya marami ang may hinuha na posible anilang ang tinutukoy ni VP Sara ay si Senador Rodante Marcoleta dahil sa naging papel nito noong chairman pa ito ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ang pangunahing trabaho ng nasabing komite ay imbestigahan ang mga anomalya o kurapsyon sa gobyerno at gumawa ng report alinman sa pakakasuhan ang mga maysala.

Maliban dito, gagawa rin ng amyenda sa kasalukyang umiiral na mga batas o kaya’y gumawa ng panibagong batas na magbibigay ng mas matinding parusa o bagong mga alituntunin upang maiwasan ang kurapsyon.

Exit mobile version