Alice Guo habambuhay himas rehas

Share

GUILTY sa kasong qualified trafficking ang tinanggal sa puwesto na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo batay sa inilabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court, Nobyembre 20, 2025.

Maliban kay Guo, kasamang nahatulan sina Rachelle Malonzo Carreon, Jaimielyn Cruz, at Walter Wong Rong ng habambuhay na pagkabilanggo at 2-million multa.

Ang kaso ay nag-ugat sa nabunyag na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) kung saan natuklasan ang ilegal na operasyon nito sa mismong bayan ni Guo.

Naging complainant sa nasabing kaso ang Philippine National Police (PNP) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nagsagawa ng pagsalakay noong nakaraang taon at napag-alaman na pinatatakbo ito ng Zun Yuan Technology.

Napag-alaman din ng mga otoridad na ang nasabing Pogo ay nasa lote na pag-aari ng Baofu Land Development, Inc. na pag-aari ni Guo at pinaupahan sa Zun Yuan.

Si Guo, kasama ang 15 iba pang akusado sa nasabing kaso ay wala korte sa mismong promulgasyon Huwebes ng umaga kundi sa pamamagitan lamang ng videoconference.

Matatandaan na nito lamang Mayo, tinanggihan ng korte ang motions for leave to file a demurrer to evidence ng akusado.

Noong Agosto 13, 2024, tinanggal sa puwesto ang alkalde ng Office of the Ombudsman sa kasong grave misconduct matapos itong maugnay sa online gambling center sa Bamban na pinatatakbo ng mga Chinese kung saan daan-daang katao ang umano’y puwersahang inuutusang mang-iscam at kung hindi ay ito-torture ang mga ito.

BASAHIN  3 wanted na karnaper, huli sa Rizal

Sa kabilang banda, nitong Hunyo lamang, tinanggal din sa pwesto si Guo ng Manila Regional Trial Court Branch 34 nang ipinagkaloob sa Office of the Solicitor General ang instant petition nito for quo warranto.

Sa desisyon ng Manila RTC, pinawalang bisa nito ang kabuuan ng termino ni Guo at pagkakatalaga bilang alkalde at sinabing ang Chinese citizen na si Guo Hua Ping at Alice Leal Guo ay iisa.

Noong Setyembre 16, 2024, kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ang alkalde sa alegasyon na nilabag umano nito ang probisyon ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 kung saan pinaparusahan ang sinumang “nag-organisa, naglaan ng suportang pinansyal or direct other persons to commit acts of trafficking.”

Damay din sa kaso si dating Technology and Livelihood Resource Center deputy director general at Zun Yuan Technology representative Dennis Cunanan at iba pang executives at founders ng tatlong kumpanya ng Pogo.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

LRT-2, nakapagtala ng mahigit 49-M pasahero noong 2023

Aabot sa mahigit 49.4 million na mga pasahero ang naserbisyuhan ng LRT line 2 sa nakalipas na taon. Ayon sa Light Rail Transit Authority, ito...