Meralco balik-serbisyo matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan

Share

MULA 400,000 apektadong kustomer habang nananalasa ang Bagyong #UwanPH, bumaba na sa 197,000 ang mga apektadong kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) Lunes ng umaga.

Batay sa pinakahuling datos, humigit-kumulang 10,000 sa mga ito ang nasa mga lugar kung saan may naiulat na mga pagbaha partikular na sa ilang bahagi ng Cavite, Bulacan, Quezon, Rizal, Laguna, Batangas at Metro Manila.

Tiniyak naman ni Joe Zaldarriaga, Tagapagsalita ng Meralco, todo-kayod ang mga tauhan ng kumpanya para maibalik sa lalong madaling panahon ngunit isinasaisip ang ligtas na serbisyo ng kuryente sa apektadong mga lugar.

“Nakatutok kami sa Meralco sa lagay ng panahon lalo na at patuloy ang malakas na hangin at pag-ulan na dulot ng bagyo. Humihingi kami ng pang-unawa at pasensya mula sa aming mga customer dahil kailangan naming[g] bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga komunidad at ng aming mga crew sa pagbabalik ng serbisyo ng kuryente,” ang pahayag ni Zaldarriaga.

Kasabay nito, pinapaalalahanan ng Meralco ang publiko na maging mapagmatyag at maging maingat sa paggamit ng kuryente lalo na kung mayroong pagbaha:

  • Patayin ang main power switch o circuit breaker. Siguraduhing tuyo ang kamay at paa bago humawak ng anumang electrical equipment.
  • Tanggalin sa pagkakasaksak ang lahat ng appliances at patayin ang mga permanenting nakakabit na kagamitan. Kung maaari, alisin ang mga bombilya.
  • Linisin ang putik at dumi mula sa electrical equipment gamit ang rubber gloves at rubber soled na sapatos.
  • Siguraduhing tuyo ang lahat ng mga kable, outlet, at iba pang gamit bago gamitin.
  • Ipasuri sa isang lisensyadong electrician ang wiring system at mga appliances bago muling gamitin. Huwag kailanman gamitin ang electrical equipment na nasira ng baha.
BASAHIN  Taas-singil sa kuryente, nakaamba ngayong Enero

Ayon pa kay Zaldarriaga, maging alerto at panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon at siguraduhing fully-charged ang mga mobile phone, laptop, radyo, at iba pang devices upang mabantayan ang balita.

“Sa panahon ng matinding pagsubok, pinapaalalahanan namin ang publiko na maging mapanuri sa impormasyon na kanilang natatanggap. Tiyaking tama ang pinagmulan nito bago ito ipakalat. Ang maling balita ay nakakadagdag lang sa pangamba, lalo na sa ganitong panahon,” dagdag pa ni Zaldarriaga.

Para sa mga alalahanin sa serbisyo ng kuryente, maaaring mag-report ang mga customer sa pamamagitan ng My Meralco app, sa opisyal na social media accounts ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X dating Twitter (@meralco). Maaari rin silang mag-text sa 0920- 9716211 o 0917-5516211, o tumawag sa Meralco Hotline 16211.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

BIR crackdown flags 25 Luzon gas stations for fuel violations

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) flagged 25 out of 65 gasoline stations inspected during the first three days of a major Fuel Marking...