EPD todo puwersa para sa seguridad ng ‘Undas 2025’

MAY kabuuang bilang na 561 na mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang ipapakalat sa mga sementeryo sa nasasakupan nitong mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan o mas kilala sa tawag na PaMaMariSan para tiyakin ang kaayusan at seguridad sa Undas 2025.

Ayon kay EPD Director PBGen. Aden Lagradante, magdadagdag pa sila ng 270 tauhan na magsisilbing ‘anti-criminality team’ sa matataong mga lugar tulad ng mga transport terminal, malls at malalaking lansangan.

Maliban dito, may karagdagan pang 104 personnel ang bubuo bilang ‘reactionary standby support force’ na nakabase sa EPD Headquarters at nakahanda anumang oras para sa deployment sakaling kailangan pa sa isang emergency situation.

Mula Nobyembre 1 hanggang 2, sisiguraduhin ng pamunuan ng EPD ang maximum police visibility, seguridad, kaayusan lalo na ang police assistance upang maging maayos at mapayapa ang pag-alaala ng Sangkakristiyanuhan ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Karagdagan pa, aabot sa 681 na mga boluntaryong sibilyan o force multiplier ang tutulong sa mga kapulisan para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko, public assistance at crowd control sa anim na pampubliko at walong pribadong sementeryo na nasasakupan ng EPD.

Maglalagay din ng mga police assistance desk sa lahat ng sementeryo at iba pang matataong lugar para maasikaso kaagad ang anumang pangangailangan ng mga tao lalo na pagdating sa emergency.

Idinagdag pa ni Lagradante na ipapatupad din nila ang round-the-clock na pagpapatrolya sa mga vital installations, na panmgungunahan ng foot patrol personnel upang maging babala sa sinumang nagbabalak gumawa ng krimen.

Upang matiyak naman ang disiplina at naipapatupad ang mga paghahandang ito, magsasagawa ng hindi pinapaalam o biglaang inspeksyon ang pamunuan ng EPD upang malaman na laging handa ang mga tauhan ng EPD sa anumang mangyayaring emergency.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...