1K na-regular na empleyado ngayong taon ibinida ni Mayor Vico

IBINIDA ni Pasig City Mayor Vico Sotto na lumampas na sa 5,000 empleyado ng lokal na pamahalaan ang na-regular mula noong 2019 nang una itong maupo bilang alkalde kabilang na dito ang 1,000 sa taon lang na ito.

Ayon kay Sotto, ipinagmamalaki niya na sa kauna-unahang pagkakataon ay mas marami na ang regular o permanenteng empleyado kumpara sa contractual o casual at job order (JO) employees.

Sa social media post ng alkalde, sinabi nito na isang empleyado na nagsilbi na ng 43 taon ang kauna-unahan sa naging regular nang sinimulan ng lokal na pamahalaan na ipatupad ang regularisasyon.

Sa ngayon, ginagawa nang regular na empleyado ang dalawang (2) taon nang nanilbihan mula casual employee na may pagdiriin na may mga benepisyo na ang mga ito kahit hindi pa regular na manggagawa.

“Nakakatuwa rin na habang binibigay natin ang nararapat para sa mga empleyado, kasabay ng pinalalakas na continuous professional dev[elopment] program, kumukonti rin ang mga reklamo ng tao sa kanila,” ang pahayag ni Sotto.

Sa isang miting, binati ni Sotto ang mga naging regular nang empleyado na binigyang-diin ang may kinalaman sa tumaas na antas ng paninilbilhan.

“Halimbawa, sa TPMO, dati mula [sa may ma]taas [na posisyon] hanggang enforcer maraming reklamo mula truck ban exemption hanggang traffic violations; ngayon paisa-isa na lang,” dagdag pa ng alkalde.

Bago nanilbihan hanggang sa unang mga taon ni Sotto, isa ang mga traffic enforcer ng Pasig sa Metro Manila na kilala bilang mga mahigpit at hindi makatuwiran sa pagpapatupad ng batas trapiko na binansagang ‘buwaya’ at ‘kotongero.’

Ang mga enforcer na ito ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) ay kilala sa tawag na “Blue Boys” dahil sa kulay asul na uniporme ng mga nito.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...