Pililla LGU naalarma sa tumataas na gastusin sa basura

NAALARMA na ang lokal na pamahalaang bayan ng Pililla sa lalawigan ng Rizal bunsod ng tumataas na gastusin sa garbage collection bawat taon.

May pagkabahalang sinabi ni Mayor John Masinsin ang isyung ito sa harap ng mga miyembro ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps matapos i-post ng alkalde sa social media ang bagay na ito.

“Nananawagan ako sa aking mga kababayan sa Pililla na sana ay mapababa natin ang volume ng hinahakot na basura sa ating bayan nang sa gayon ay mabawasan ang ating ginagastos at ilaan na lamang sa iba pang mga pangangailangan natin,” ang pahayag ni Masinsin

Batay sa inilabas na datus ng punong bayan, gumastos ang lokal na pamahalaan ng ₱5.6-M noong 2020, ₱7.7-M noong 2022 at ₱9.5-M na noong nakaraang taon 2024 bayad sa paghahakot ng basura.

Kasama sa nasabing datus ang bilang ng truckload ng basura na nakokolekta bawat taon: 472 noong 2020, 583 noong 2021, 644 noong 2022, 691 noong 2023 at 792 naman noong 2024.

Sinabi pa ng alkalde na kung ikukumpara sa dami ng tao sa kaniyang bayan, mayroon lamang 68,400 populasyon noong 2020 at kaunti lang ang itinaas ngayong taon dahil nasa 72,500 lamang ang populasyon.

Kaya kung ikukumpara sabi pa ng alkalde ay na 5.8% lamang ang itinaas ng populasyon kumpara sa 67.77% na itinaas sa koleksyon ng basura.

“Nakakalungkot pong isipin na malaking [bahagi] ng ating pondo ay nauubos lang para itapon ang ating mga basura. Tayo ay nagtatapon [lamang] ng pera para itapon ang ating mga basura,” ang malungkot na tinuran ni Masinsin.

Idinagdag pa sa nasabing datus na ang nakokolektang basura ay nahahati sa 31.1% nabubulok, 30.6 % recyclable, 19.7% ang disposable, 8.4% ang residual at 10.2% ang special waste.

Pinaaalalahanan din ng alkalde ang kanyang mga kababayan na may batas na umiiral hinggil sa waste segregation kaya umaapila siya na pagtiyagaang isagawa ang recycling at composting upang makabawas sa problema sa basura.

Sa kasalukuyan ay mahigpit nang ipinatutupad sa mga empleyado ng pamahalaang bayan ang pagbabawal sa pagdadala ng mga single use plastic, bottled water at iba pang produkto na ginagamitan ng plastic.

“Minabuti na rin namin na magkaroon ng telephone hotline para maitawag ng mga kababayan namin ang mga isyung may kinalaman sa problema sa solid waste management,” giit pa ni Masinsin.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...