Palabas sa KMJS na quarry ang dahilan ng pagbaha sa Angono, itinanggi ng alkalde

Share

MARIING itinanggi ni Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon na dahil sa quarry operations ng isang makaling mining company ang pangunahing sanhi ng mga pagbaha sa kanilang lugar.

Reaksyon ito ni Calderon sa kamakailang ipinalabas sa “Kapuso Mo Jessica Soho” o KMJS ng GMA7 noong Agosto 3 kung saan ang quarry operations ang itinuturong dahilan umano kung kaya pati ang mga kalapit na lugar sa lalawigan ay apektado.

Sa panayam ng mga mamamahayag na kabilang sa PaMaMariSan-Rizal Press Corps, sinabi ng alkalde na wala umanong katotohanan ang mga tinuran sa nasabing programa.

Ilang residente na nakatira malapit sa lugar ang nakapanayam ng KMJS at sinabing nakakaranas umano sila ng mahinang mga pagyanig at nababahala sa kanilang kaligtasan dahil sa quarry operations.

Inamin naman ni Calderon na may nagaganap na pagmimina at quarry operation sa 112 ektaryang lupain ng Concrete Aggregates Corporation na may permit sa pamamagitan ng concessionaire nito na Helix Aggregates, Inc.

“Naglabas ng resolusyon ang aming Sangguniang Bayan at sinabi namin sa Department of Environment and Natural Resources-Mines and Geosciences Bureau (DENR-MGB) na tinututulan namin ang renewal at kailangan nang kanselahan ang permit ng nasabing kumpanya,”ang pahayag ni Calderon.

Sa kanilang pag-uusap, idiniin ng lokal na pamahalaan ang kanilang inilabas na resolusyon at karagdagang sulat na may petsang May 11, 2021 at sinabi ng kumpanya na hindi na umano lalampas sa 10 taon ang isasagawang operasyon ng kanilang concessionaire.

BASAHIN  Feeding program hatid ng mga reporter swak sa mga senior citizen sa Cainta

Bagama’t tutol ang lokal na pamahalan, nakakuha umano ng karagdagang 5 taon ang nasabing kumpanya at matatapos na ang kanilang operasyon ngunit ngayon pa lamang ay gumagawa na ito ng rehabilitasyon.

“Well, ‘yung Angono ay naging tungtungan ng ganyang isyu sa baha pero po ‘yung mga footage [na ipinakita sa KMJS] na binabaha hindi na po Angono ‘yun,” dagdag pa ni Calderon at sinabing “wala [na] po kaming baha na umapaw ang ilog sa aming bayan simula nung Typhoon Ondoy. After Ondoy po wala na. Meron man pong pag-apaw ‘yung shoreline lang.”

“Lagi po sa quarry ibibintang eh. Hindi nga po binabaha ang Angono dahil meron po kaming river rehabilitation program. Naghuhukay po kami ng ilog bago po ‘yan lagyan ng retaining wall. Hindi po ito lalagyan ng retaining wall kung mababaw,” pagtatapos ng beteranong alkalde.

Sa ngayon, ayon kay Calderon, nakatutok na umano sila sa pagpapaunlad ng kanilang bayan, pagsasaayos ng imprastraktura at pakikipagpulong sa mga mamumuhunan gamit ang ipinasa nilang ordinansa na nakabatay sa R.A. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Siga sa Pasig kalaboso sa droga, baril

KALABOSO ang isang nagsisiga-sigaan sa Barangay San Miguel matapos mahulihan ng mga awtoridad ng iligal na droga at baril sa isinagawang search warrant operation...