Holdaper na armado ng BBQ stick arestado

NAREKOBER ng mga tauhan ng Marikina City Police Station ang isang barbeque stick na ginamit ng suspek sa pangho-holdup sa isang babae sa harap ng isang gasolinahan sa Brgy. Concepcion Uno ng nasabing lungsod nitong Agosto 3, bandang alas-5 ng umaga.

Kinilala ni PBGen. Aden Lagradante, district director ng Eastern Police District, ang suspek na si alyas “Raymon,” 37, at residente ng Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang nagsasagawa ng Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga operatiba, may natanggap sila ng tawag mula sa 911 Hotline kaugnay sa insidente ng pangho-holdup sa nabanggit na lugar.

Agad na rumesponde ang mga pulis at nang dumating sila sa gasolinahan, sinalubong sila ng babaeng biktima at inginuso ang noo’y tumatakas na suspek.

Nagkaroon ng habulan at nang ma-korner ang suspek agad na inaresto ito at narekober mula sa kaniya ang mga ninakaw na gamit at isang barbecue stick na ginamit umano ng suspek sa pananakot ng biktima, na nagdulot ng galos sa leeg nito.

Ang suspek ay pansamantalang ikinulong sa Custodial Facility ng Marikina City Police Station habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasagawang inquest proceedings kung saan siya ay nahaharap sa kasong robbery with violence and intimidation.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...