33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Alamin | Sinaunang payo para sa mga magulang na hindi naluluma

NAALAALA ni Michelle ang panahon na karga-karga pa niya ang kaniyang bagong silang na anak habang iniisip niya ang mangyayari sa hinaharap—mula sa unang mga hakbang ng bata, kukuha ng driver’s license kapag nasa hustong gulang na, pagtatapos sa high school.

Gayunman, hindi niya maisawang mag-alala kung paano niya palalakihin ang kaniyang anak na babae.

“Nag-aalala ako dahil hindi ko pa malalaman kung ano ang naiisip at nararamdaman ng anak ko,” ang sabi ni Michelle Mendoza, na residente ng Quezon City. “Alam ko na kailangan namin ng tulong ng aking asawa.”

Ang mag-asawang Mendoza ay ilan lamang sa bilyon-bilyon na lingid sa marami ay karaniwan nang nakakaranas ng kaigtingan kung paano palalakihin ang kanilang mga anak.

Kaya naman, marami ang nakasusumpong na ang pagiging magulang ay isang hamon, at nakakabahala.

Bilang pagkilala sa papel ng mga magulang, itinatag ng United Nations ang “Global Day of Parents” tuwing Hunyo 1 upang pahalagahan ang sakripisyo ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Dahilo dito, isang salig-Bibliyang website, ang jw.org, ang nag-aalok ng tulong sa mga magulang sa buong mundo upang gawing mas maayos ang pangangalaga sa pamilya.

“Nakasumpong ako ng isang publikasyon sa website na malaki ang naitulong sa aming mag-asawa,” ang sabi ni Mark Mendoza.

BASAHIN  Abu Sayyaf member sa ‘kidnap-pugot ulo’ ng mga Saksi ni Jehova noong 2002, nadakip ng NCRPO agents
Dahilo dito, isang salig-Bibliyang website, ang jw.org, ang nag-aalok ng tulong sa mga magulang sa buong mundo upang gawing mas maayos ang pangangalaga sa pamilya. (Photo: JW press release)

“Tinuruan kami sa kahalagahan ng mga non-verbal communication kung saan naging mas madali para sa amin na alamin ang kahulugan at emosyonal na pangangailangan ng anak namin. Nakatulong ito para mabawasan ang aming mga alalalahanin na una naming nadama,” ang sabi ni Mark.

Ang mga artikulo tulad ng: “Ang Iyong Papel Bilang Magulang,” “Kung Paano Maging Mabuting Tatay,” at “Paano ba Maging Isang Mabuting Magulang,”? ay ilan lamang sa 22 milyong dina-download araw-araw mula sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.

Maliban sa mga publikasyon sa digital format, mayroon ding mga videos, audio recordings at mga artikulo sa iba’t ibang topiko batay sa subok-na-sa-panahon na mga praktikal na payo mula sa Kasulatan.

Dahil sa mga nakapagpapatibay na mga lathalain at videos na nabanggit kung kaya sinisikap din isabuhay ng mga Saksi ang kanilang natututunan mula sa Biblya kung paano pa patitibayin ang ugnayang pampamilya.

“May kakayahan ang mga magulang na mapatitibay ang buklod ng pag-ibig sa pamilya,” ang sabi ni James Morales, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas.

BASAHIN  Paggawa ng perang papel na hindi mapepeke, ibinida online

“Titibay ang komunidad kung matibay din ang bawat pamilya. Bukas ang aming mga Kingdom Hall, ang tawag sa mga gusali kung saan kami sumasamba, para sa lahat, at makikita ninyo kung paanong kasama ng mga magulang ang kanilang mga anak upang matuto ng higit at tumatanggap ng pagsasanay kung paano maging mabuting Kristiyano,” dagdag pa ni Morales.

Pinasisigla rin nila ang lahat na bisitahin ang kanilang website na jw.org upang mabasa at ma-download ang nabanggit na material na makakatulong sa buong pamilya.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA