NADALE ng taga-Pasig City ang panalo ng UltraLotto 6/58 na may jackpot prize na ₱175,160,965.20 na binola, Biyernes ng gabi sa Mandaluyong City.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), bumili ng lotto ticket sa Amang Rodriguez Ave., Santolan, Pasig City outlet ang winner ng Ultra Lotto 6/58 na winning combination 04 – 07- 57- 05 – 54 – 47
Mayroon namang 20 mananaya ang nanalo ng ₱120,000.00, nasa 765 ang nakakuha ng ₱2,000.00 at may 18,907 ang nanalo ng ₱100.00 bawat isa.
Wala namang nakadale ng draw ng Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱8,910,000.00.
Paalala ng pamunuan ng PCSO na ingatan na hindi mabasa, malukot at huwag plantsahin ang mga winning ticket upang hindi magkaroon ng aberya sa pag-claim ng prizes.
Related Posts:
71 hindi rehistradong sasakayan sa CoA report, hindi na ginagamit - MMDA
Natitirang mga pasugalan sa Pasig ipinasara, kinastigo ni Mayor Vico
Wanted na Chinese, naaresto sa Pasay City
Habal rider tiklo sa ₱1.7M droga sa Pasig
Lola patay sa sunog, fire truck inararo nasunugan
Ilang lugar malapit sa fault line sa Pasig ininspeksyon ng OCD
36 magsing-irog ikinasal sa bisperas ng Araw ng mga Puso
Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez
About Author
Show
comments