₱175-M premyo sa UltraLotto 6/58 nadale ng taga-Pasig

NADALE ng taga-Pasig City ang panalo ng UltraLotto 6/58 na may jackpot prize na ₱175,160,965.20 na binola, Biyernes ng gabi sa Mandaluyong City.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), bumili ng lotto ticket sa Amang Rodriguez Ave., Santolan, Pasig City outlet ang winner ng Ultra Lotto 6/58 na winning combination 04 – 07- 57- 05 – 54 – 47

Mayroon namang 20 mananaya ang nanalo ng ₱120,000.00, nasa 765 ang nakakuha ng ₱2,000.00 at may 18,907 ang nanalo ng ₱100.00 bawat isa.

Wala namang nakadale ng draw ng Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱8,910,000.00.

Paalala ng pamunuan ng PCSO na ingatan na hindi mabasa, malukot at huwag plantsahin ang mga winning ticket upang hindi magkaroon ng aberya sa pag-claim ng prizes.

IBA PANG BALITA

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVI sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...