Converge, may DTH services na

0
183

PLANO ng Converge ICT Solutions Inc. na pumasok sa direct-to-home services ngayong 2024.


Ang direct-to-home services (DTH) o digital satellite services ay karaniwang nagpapalabas ng TV programs at mga pelikula gamit ang satellite transmission.


Ayon kay Dennis Anthony Uy, Converge CEO at co-founder, na nag-allocate sila ng ₱100 – ₱150 milyon para sa DTH project sa buong bansa. Magiging bahagi ito ng ₱15 bilyon na kapital para sa taon.


Nagsimula si Uy sa cable TV business sa Pampanga bago pumasok sa internet services, kaya nagmamay-ari pa rin siya ng broadcast franchise, kasali ang DTH services.


Mas mababa raw ang presyo nila kaysa kompetisyon. Kasama ang fiber broadband services, magdadagag lamang ang subscriber ng ₱99, ₱200 at ₱500 bawat buwan.

BASAHIN  US$37.2 Bilyon: 2023 Remittances ng OFWs


Tinanong si Uy kung nais ng Converge na bilhin ang Sky Cable Corp. matapos na kanselahin ang bilihan ng ABS-CBN Corp. at PLDT Inc.


“Let’s see if something happens. If our intervention and help is needed, we’re open to protect the Filipino consumer, to transform them to better technology,” aniya pa.

BASAHIN  Trump muling nahalal bilang ika-47 pangulo ng U.S.

About Author