Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng mga miyembro ng Las Piñas police Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isang Nigerian national.
Kinilala ang suspek na si alyas Christian, 43-anyos, na dinakip bandang alas-9:00 noong Lunes sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City.
Nakuha mula sa suspek ang 30-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱204,000, isang cellphone, ₱1,000 mark money at 14 piraso ng tig-₱1,000 boodle money.
Nahaharap ang Nigerian national sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Related Posts:
About Author
Show
comments