Jaya, naaksidente habang papunta sa concert ni Regine

NAKALIGTAS kamakailan si Jaya at mga kasama sa isang aksidente habang papunta sa concert ni Regine Velasquez.


“On a ride from Sacramento, California, on the way to Graton Casino to see my friends and watch Regine V’s concert…when all of a sudden we get into a car collision,” saad ni Jaya.


Mabuti na lamang daw at ligtas sina Dr. Josephine Weber ang nagmamaneho ng SUV at ang kanyang pinsang si Merly Escolta.


Matatandaan na noong Agosto 2022, muntik ng napahamak si Jaya nang nasunog ang kanyang bahay habang ipinagdiriwang nila ang ika-16th birthday ng kanyang anak.


Matapos ito, lumipat na sila sa Richardson City, Texas. Matagal nang nakatira si Jaya at pamilya sa US matapos na umalis ng bansa sa kasagsagan ng pandemic.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...