Heart, hindi bilib sa world-class Pinoy designers; Wedding gown, ipinagawa sa Europe

TILA walang kabilib-bilid si Heart Evangelista sa world-class Filipino designers, kahit na marami sa gowns ng ating Miss Universe winners ay likha nila.

Ito ang usap-usapan ngayon sa showbiz circles.


Bakit kailangan pang gumastos ni Heart ng libo-libong dolyar para magpagawa ng custom made wedding gown sa prestigious at sobrang mahal na designer, na si Elie Saab ng Milan and Paris? Tanong ng ilang observers.


Ayon kay Heart na may suot na kuwentas na tadtad ng diamonds, “Elie Saab has a special place in my heart—it was actually one of the first shows I ever attended in fashion week. I’ve always loved their dreamy and romantic creations, and when I saw the custom couture dress, I knew that was it.”


Matatandaang muling ikinasal sina Heart at Sen. Chiz noong Peb. 15 sa Club Royal Villa, Balesin Island sa Quezon Province. Ito’y bongga at talagang para sa mapera.


Ayon sa isang observer, wala namang masama kung saan magpatahi ng wedding gown si Heart, dahil una, mapera sila ng mister niya, at ikalawa, choice niya iyon. Pero dapat daw kinonsidera niya na isang pulitiko si Chiz, kaya dapat nagpakita sila ng mahusay na ehemplo sa bansa sa pamamagitan nang pagtangkilik sa sarili nating designers — na hindi maikakaila — kahit ilang sikat na Hollywood celebrities ay patuloy na tumatangkilik sa kanila.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...