33.4 C
Manila
Monday, July 1, 2024

Wanted sa rape huli sa warrant

NALAMBAT ng Pasig City Police sa pamamagitan ng Station Warrant and Subpoena Section ang isang lalaking kabilang sa most wanted person na may kinahaharap na kasong attempted rape, ang naaresto kamakalawa ng hapon sa Barangay Maybunga, Pasig City.

Sa report na nakalap sa tanggapan ni PCol. Celerino Sacro, Jr , inaresto ang akusado na si alyas “Aurel”, 30-anyos, bagger at residente ng  Brgy. Manggahan, Pasig City 

Bandang 5:39 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Rave Park, F. Legaspi Street, Brgy. Maybunga, nang damputin ai Aurel ng mga tauhan ng Pasig CPS Warrant and Subpoena Section, RIU-NCR, EDIT at 4th MFC, RMFB, NCRPO.

BASAHIN  DOE, DPWH, pabilisin ang polisiya para sa ev charging stations -Gatchalian

Dala ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Elisa Ramirez Sarmiento-Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 71, Pasig City para sa kasong  Attempted Rape sa paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code na may petsang February 2, 2024 at binigyan ng bail na P120,000.00 para sa kanyang pansantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa custodial facility habang hinihintay ang commitment order mula sa prosecutors office.

BASAHIN  ₱.5-M shabu nasabat sa 3 tulak sa Marikina

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA