Lalaking wanted ng NPD, nasakote sa Caloocan City

Arestado ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted person sa Northern Police Ditrict (NPD) matapos maaresto sa isang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Caloocan police, nakatanggap ng impormasyon ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 kaugnay sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Vio”, 28-anyos, mula sa Pangako St., Bagong Barrio.

Agad namang nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng SS-5 sa pangunguna ni P/Cpt. Paul Norman Larugal, at IDMS-WSS na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado bandang 2:00 kamakalawa ng madaling araw sa kahabaan ng Malolos Avenue, Brgy. 146.

Dinakip ng mga otoridad si alyas “Vio” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandra ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City noong May 30, 2023, para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na ₱200,000 at Murder na walang inirekomandang piyansa.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...