Wanted sa Muntinlupa City, arestado sa Parañaque

0

Inaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Unit ng Muntinlupa City Police Station ang isang 34-anyos na tulak, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si Renerose Dayalo, na nakatala bilang Rank 8 Most Wanted Person sa Muntinlupa City.

Dakong alas-11:55 ng gabi nitong Biyernes ng mahuli ng mga otoridad ang suspek sa kanyang tinutuluyan sa Barangay BF Homes, Parañaque City.

Dala ng mga ito ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings o RA 9165 Article II Section 13, at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Possession of Equipment, Instrument, Apparatus and Other Paraphernalia for Dangerous Drugs During Parties, Social Gatherings or Meetings o RA 9165 Article II Section 14 na may Criminal Case No. 22-707 at 22-708, na inisyu ni Honorable Philip Acosta Aguinaldo, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 207, Muntinlupa City na may petsang October 9, 2023.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Muntinlupa custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso.

About Author

Show comments

Exit mobile version