Navotas City LGU, muling pumasa sa Good Financial Housekeeping ng DILG

0

Pasado sa Good Financial Housekeeping (GFH) standards ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Navotas local government unit.

Maliban dito, nasungkit din ng lungsod ang Commission on Audit’s Unmodified Opinion, na pinakamataas na markang ibinigay nito sa isang LGU o ahensya ng gobyerno, sa loob ng walong magkakasunod na taon, kung saan ito ang natatanging LGU sa Metro Manila na may track record.

Paliwanag ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, para makapasa sa GFH, dapat sumusunod ang isang LGU sa Full Disclosure Policy ng Local Budget and Finances, Bid at Public Offering tulad ng Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan o Procurement List, at Bid Results sa Civil Works, Goods and Services at Consulting Services, bukod sa iba pa.

“This recognition is a testament to our commitment to transparent and honest utilization of public funds, ensuring that they are spent towards programs and services that contribute to the welfare of Navoteños,” ayon kay Mayor Tiangco.

Taong 2010 nang itatag ang GFH, kung saan nagsisilbi itong kasangkapan upang suriin ang performance ng LGUs sa mga tuntunin ng pagtatatag ng pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamamagitan ng malinaw na pag-uulat ng public budget and expenditures.

Isa rin ang GFH sa core components ng Seal of Good Local Governance para sa mas komprehensibong assessment sa administratibo at pagsisikap sa pag-unlad ng lokal na pamahalaan.

About Author

Show comments

Exit mobile version