Luis Manzano, Jessy Mendiola, church wedding naman

KINUMPIRMA ni Jessy Mendiola na muli siyang ikakasal sa asawang si Luis Manzano, this
time, sa simbahan naman, pero wala pang detalye kung kailan.


Ginawa ni Mendiola ang kumpirmasyon sa kanyang social media post nitong Sabado,
Pebrero 3, at sinabing “[the] wedding is happening soon.”


Hiniling na aktres ang tulong ng celebrity wedding and events planner Amanda Tirol
para sa kanilang church wedding.


“Actually, chill bride ako eh. Bride-chilla ako eh. Kung alam mo ‘yung feeling na mas
maganda, you give [the wedding coordinator] a chance to decide, Ms. Amanda Tirol.
Everything’s coming together soon,” saad ni Mendiola.


“I’m happy na finally, magkakaroon kami ng wedding na nand’un ‘yung buong family
and si Lord. Kasi civil wedding lang ‘yung last time. ‘Yung family ko kasi at the time was
in Japan tapos ‘yung Dad ko, nasa Lebanon,” dagdag pa niya.


Si Luis, 42 anyos, at si Jessy, 31, ay may one-year-old na anak, si Isabella Rose na
isinilang noong Disyembre 29, 2022. Ikinasal ang dalawa Lipa City noong Peb. 21, 2021,
sa isang civil ceremony.


Inaasahang magiging bonggang-bongga ang kasalang ito. Gagawin din kaya ito sa Peb.
21?

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...