AirAsia Ph target ang Gen Z, millenials, at pamilya

0

INIANUNSYO ng AirAsia Philippines (Air Asia) nitong Pebrero 1 na para mapalakas ang
travel sector ngayong 2024, nais nilang mag-travel ang Gen Z at millennials kasama ng
kani-kanilang pamilya.


Ayon sa datos ng Air Asia, sa 600,000 na pasahero nitong Enero, 58 percent sa mga ito
ay millenials at 34 percent, Gen Z.

Sa isang international travel survey, siyam sa sampung travelers ang nagsabi na para
maging mas masaya at memorable ang biyahe, dapat kasama nila ang kanilang mahal
sa buhay o pamilya.


Nitong Pebrero 1, umabot sa 700,000 seats ang naka-reserve para sa byahe mula
Pebrero hanggang Mayo 2024. Ilan sa mga destinasyon ay Taipei (Taiwan), Incheon
(South Korea), Osaka, at Narita (Japan). Sa lokal, Boracay, Cebu, Bohol, at Puerto
Princesa.


“We are extremely excited to welcome the energy that young travelers—Gen Zs and
millennials alike—will bring as the travel profile diversifies… We also invite everyone
to watch out for our new summer campaign teased as “LFG,” as this will surely excite
this generation’s young travellers—and those young at heart also,” ayon kay AirAsia
Head of Communications and Public Affairs Steve Dailisan shares.


Para mahikayat ang mga byahero na isama ang kanilang mahal sa buhay, sinabi ni
Dailisan na nag-aalok sila ng “Heart’s Month Treat” na may one-way na pamasahe na
₱22 sa lahat ng domestic at international destinations simula Pebrero 4 para sa travel
hanggang ika-31 ng Hulyo 2024.

About Author

Show comments

Exit mobile version