IDENEKLARA ng TV-host-producer na si Willie Revillame ang kanyang pagnanais na
tumakbo bilang senador sa 2025 mid-term elections.
Ginawa niya ang pahayag matapos ipagdiwang ang kanyang 63 rd birthday nitong
Enero 27, bago lumipad patungong Davao City.
Ipinakilala ni Willie si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa “Hakbang ng Maisug”, ang
prayer rally na ginanap sa San Pedro Square, Lungsod ng Davao.
Ayon sa TV host, “Two years ago, after Covid, ipinatawag po ako ni Senator Bong Go at
ipinatawag din po ako ng mahal na Pangulo… At ako po ay kinausap nila sa Malacañang. ‘Yun po ang pagkakataon na pinatatakbo niya ako na senador.
Sinabi ni Revillame na hindi pa siya handa noon dahil may programa pa siya sa TV.
Pero nais daw niyang maglingkod sa bayan sa malapit na hinaharap.
Sa prayer rally, sinabi ni Willie, “Handa akong magsilbi, hindi lang sa bayan… [pati na]
sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong.”
Pagkatapos nito ay itinaas ni Duterte ang kamay ni Willie na sinaksihan ng lahat ng
mga dumalo sa prayer rally.
“Bigyan ng jacket ‘yan!” at muling nasaksihan ng audience ang pamimigay ng jacket ni
Willie at si Duterte ang nauna sa mga binigyan nito.
Ayon sa isang political analyst, kapag natuloy ang pagtakbo ni Willie sa 2025, magiging
mas mahigpit ang laban para sa 12 pwesto sa pagka-senador.