Nabentang Corvette, kay Kathryn talaga, hindi kay Daniel?

MARAMI ang nagulat sa report ni Cristy Fermin sa sports car naibenta ni Daniel Padilla,
dahil si Kathryn Bernardo daw talaga ang tunay na may-ari.


Ang kotseng tinutukoy ay ang 2016 Chevrolet Corvette Stingray C7 na naibenta ng F2
Cars para kay Daniel sa halagang ₱6.5 million.


Sa “Showbiz Now Na” ni Cristy nitong Enero 27, sinabi ni Romel Chika na kay Kathryn
daw talaga ang kotse at hindi sila magkasosyo ni Daniel sa pagbili nito, gaya nang
pagkakaalam ng marami.


“Ang buong alam ng sambayanan ay hati sila doon [sa proceeds ng benta ng car). Ito
na, hindi pala…Hindi totoo ‘yan. Kay Kathryn lang ang perang ‘yon,” saad ni Romel.


Ayon kay Romel, gustong-gusto raw kasing magkaroon ni Daniel ng ganoong sasakyan
pero wala namang nakahandang pambili ang aktor kaya inabonohan na muna ni
Kathryn.


Ayon pa sa tsika ni Romel: “Ang sabi, Huwag kotse. Aanhin ko ang kotse? ‘Di ko
magagamit ‘yan. Pera ang ibalik mo sa akin’ [ayon daw kay Kathyrn], kaya ibinebenta.”
Ilang netizens ang nagtatanong kung talaga raw binayaran kaagad ni Daniel si Kathryn,
matapos maibenta ang sports car. Tila mukha raw purdoy na si Daniel, na ikinaila
naman niya kaagad.


“Naku, ngayon lang po natin nalaman ‘to, mga katsika. Ang buong akala po natin at ng
buong mundo ng showbiz at sa labas na rin ng showbiz ay magkasosyo sila, hati sila
doon sa Stingray C7,” saad ni Cristy.


Bukod sa kotse, balak din daw umano ni Daniel na ibenta ang una niyang investment
— ang kanyang ₱50 milyon na house and lot sa Quezon City.


Ayon sa isang fan, naubos na nga raw ba ng kanyang inang si Karla Estrada ang pera ni
Daniel sa walang kapararakan?

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...