33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

VP Sara tatakbo na lang sa Davao City sa 2025?

IKINAGULAT ng marami ang binitiwang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa flag raising na dinaluhan nito sa Barangay Bago Gallera sa Davao City kaninang umaga.

“Marami ang magtataka na bakit si Inday Sara ay bise presidente pero bakit siya umiikot sa barangay. Alam nyo, narinig ko na ang aking kapatid na si Mayor Baste at ang aking kuya, si Congressman Pulong, nagsabi na hindi sila tatakbo,” ang pahayag ni Duterte na lalong pinanabikan ng mga tagapakinig.

“Baka lang, hindi sila tatakbo sa susunod na eleksyon. Kaya ako nandito sa inyo, kasi mangangampanya ako sa inyo dahil tatakbo ako sa susunod na eleksyon,” dagdag pa ng bise presidente.

Matapos ang programa, tinanong ng ilang lokal na mamamahayag si Duterte kaugnay sa naging pahayag nito ngunit hindi espisipikong tinukoy ng pangalawang pangulo kung saan at anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan sa darating na eleksyon.

BASAHIN  2022: Marcos-Duterte, 2028: Duterte-Marcos

“Ang buhay at pulitika ay pareho lang yan. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kinabukasa. Open [naman] ang lahat, lalo na at papalapit ang halalan sa 2025 at 2028. Ang pagtakbo ay personal na desisyon ng isa dahil kapag maawa ang Diyos sa iyo at ikaw ang mananalo, ikaw din ang magsisikap para sa bayan.

Ayon pa kay Duterte, dahil ang paktakbo ay isang personal na pasya ng isa, susuporta din aniya siya kung sino ang mga tatakbo.

Matatandaan na pinayuhan ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang kaniyang anak na huwag nang tumakbo o pangarapin na maging pangulo ng bansa.

Ayon pa sa dating pangulo, walang kuwenta umano at hindi makakabuti kay Inday Sara ang nasabing posisyon.

BASAHIN  Bebot na lider ng vote buying, empleyado pala ng Malabon LGU

Hanggang sa isinusulat ang balitang ito, wala pa ring paglilinaw ang Office of the Vice President kaugnay sa binanggit ng pangalawang pangulo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA