DAHIL sa kawalan ng aksyon ng NGCP na nagresulta sa blackout sa Panay magmula
Enero 2-5, nais ni Senador Risa Hontiveros na imbestigahan ito.
Nag-file kahapon si Hontiveros ng isang resolusyon na bubusisiin ang blackout sa
Panay at Guimaras Islands, sa harap nang kawalan nang agarang aksyon ng NGCP o
National Grid Corporation of the Philippines.
Tila raw dedma ang NGCP dahil sa kawalan ng real-time information sa dahilan ng
blackout at kung ano ang kanilang ginagawa para maibalik kaagad ang kuryente sa
mga apektadong lugar.
Sa Senate Resolution No. 890 na inihain ni Hontiveros, kailangang daw ang mas
malalim at malawakang imbestigasyon para malaman ang tunay na dahilan ng
blackout, at kung sino-sino ang mga dapat managot.
Napalaking pera raw ang nawala sa mga negosyo, naparalisa pa ang operasyon ng
lokal na pamahalaan, mga paaralan, at ospital.
Bahagi ng resolusyon 890 ang nagsasabi na kailangang ang malalimang imbestigasyon,
pati na rin review ng concession agreement sa pagitan ng National Transmission
Corporation at NGCP, pati na rin ang 25-taong prangkisa ng huli.
“Nakakaawa ‘yung mga kasimanwa [o ka-rehiyon] natin na naiwang nangangapa sa
dilim dahil sa blackout, at dahil din sa kawalan ng impormasyon. Why was there no
real-time information from NGCP when it had all the tools to provide it? Pinagtiis na
naman tayong mga Pilipino sa paulit-ulit na palpak na serbisyo,” saad ni Hontiveros.
“Our nation’s grid operator cannot and should not be remiss in its obligation to
transmit electricity… Tandaan natin na hindi lang abala ang dulot ng mga blackout –
malaki ang epekto nito sa kabuhayan, kaligtasan, at kalusugan ng mga Pilipino,” aniya
pa.