PUMALO na sa mahigit 80 ang death toll sa magnitude 7.6 na lindol na tumama sa Japan sa unang araw ng taon.
Ayon sa Ishikawa officials, 48 sa mga ito ay mula sa siyudad ng Wajima habang 23 naman sa Suzu.
Mahigit 300 katao naman ang nasugatan dahil sa malakas na lindol, habang 79 na indibidwal ang nawawala, kabilang ang 13-anyos na lalaki.
Samantala, nagpadala naman si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng mga karagdagang sundalo sa mga apektadong lugar, upang tumulong sa rescue operations, at maghatid ng malinis na tubig at pagkain sa mga residenteng nananatili sa mga evacuation facility.