Tutulong din ang Philippine Coast Guard sa pagbibigay ng seguridad sa Traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, magiging katuwang ng philippine national police ang Coast Guard District NCR – Central Luzon, sa paghahanda para sa ipatutupad na security operations sa darating na Enero 9.
Maliban dito, ipapakalat din ang K9 units nito, na itatalaga sa Quirino Grandstand, Jones Bridge at Quiapo Church.
Magbabantay din ang PCG sa bisinidad ng Pasig River at Manila Bay na nasa likod ng Quirino Grandstand, at idedeploy din ang medical team nito.
Related Posts:
Paskong-Pasko na sa Muntinlupa – Biazon
15-K pulis ipapakalat para sa Nazareno 2024
Expired driver’s license may automatic extension – LTO
Sekyu ng Megamall sa viral video na nanadyak ng estudyanteng vendor, sinibak
'Oplan paalala, Iwas paputok' ng BFP, umarangkada na
1 patay, 6 sugatan, matapos araruhin ng SUV ang BDO
MMDA sa LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones
Show cause order ng LTO inisnab ng rider na nambutas ng gulong
About Author
Show
comments