33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

10-anyos na bata sa Caloocan City, nasabugan ng pla-pla

Nasabugan ng pla-pla ang isang 10-gulang na batang lalaki sa Caloocan City sa pagsalubong sa bagong taon.

Nagtamo ng sugat sa kamay, mukha at paa ang biktimang si alyas ”Toto” na patuloy na nagpapagaling sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Ayon sa ama ng biktimang si Marlon Relly, nagpapaputok umano sa labas ng kanilang bahay ang kanyang anak kasama ng iba pa nilang kaanak.

Sinasabing inakala ng biktima na walang nang sindi ang pla-pla subalit nang hinawakan na niya ito ay bigla itong pumutok sa kanyang kamay.

Hinimatay ang biktima na agad isinugod ng kanyang mga kanaak sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa Caloocan bago inilipat JRRMMC sa Maynila.

BASAHIN  Daan-daang mga taga-Caniogan sa Pasig City nakibahagi sa ‘Awit Pasasalamat’ para sa mga ‘bayaning’ frontliners
BASAHIN  Rehistradong SIM na pwedeng pang-scam, P1K ang bentahan

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA