Bubuwisan ng 1% ang lahat ng online sellers kapag umabot sa mahigit ₱500,000
kada taon ang kanilang transaksyon, ito ay ayon sa Bureau of Internal Revenue
Ayon sa BIR Revenue Regulation 16-2023, na na-issue nitong Disyembre 21, “The
withholding tax will apply to one-half of the gross remittances by electronic marketplace
operators and digital financial services providers to the sellers or merchants for the goods or services sold through their platform.”
Ipinaliwanag ng BIR na ang electronic marketplace ay isang digital service platform na ang
negosyo nito ay ikonekta ang mamimili/konsyumer online sa nagbebenta ng produkto o
serbisyo na siyang magpo-proseso ng bayad gamit ang digital platform.
Sakop nito ang pamilihan o marketplace para sa online shopping, delivery ng pagkain, at
platform para sa accommodation gaya ng hotels at inns.
Nilinaw ng BIR nqa hindi sakop ng withholding tax kung ang taunang benta o transaksyon ng online seller ay hindi umaabot sa P500,000.
Sinabi ng BIR na ang kautusan ay ipatutupad 15 araw matapos na ito ay mai-publish sa
Official Gazette o pahayagan na may general circulation.
Inaasahan ng mga konsyumer na sa kanila ipapatong ang one percent withholding tax, kaya magmamahal nang kaunti ang mga produkto at serbisyo.