HINDI na nakauwi nang buhay ang isang kliyente ng Banco de Oro (BDO) sa Greater Lagro, Quezon City kamakalawa, matapos siyang mapuruhan ng isang SUV na sumalpok sa loob ng bangko.
Bukod pa rito, tatlong customers, dalawang bank tellers, at isang security guard ang nasaktan
dahil sa paulit-ulit na pag-atras-abante ng Toyota Fortuner sa loob ng naturang bangko.
Ayon sa Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit, amoy alak ang driver ng SUV
na si Edwin Balisong, 57.
Sinabi ng pulisya na inihahanda na nila ang kasong reckless imprudence resulting to homicide
and multiple injuries, and damage to property laban kay Balisong.
Hindi sinabi ng pulisya kung sumailalim na si Balisong sa blood test para masukat ang alcohol
content sa kanyang dugo gamit ang Gas Chromatography-Mass Spectrometer machine.
Sinabi ng pamunuan ng Banco de Oro na nakikipag-coordinate raw sila sa mga awtoridad
tungkol sa indente at tiniyak ang tulong sa lahat ng mga nabiktima.
“The bank has provided medical attention to injured individuals and is committed to assisting
them throughout their recovery journey,” ayon pa sa bangko.