Tinatayang aabot sa 2.2 milyong pasahero ang dadagsa sa mga paliparan sa bansa ngayong buwan, sa gitna ng holiday rush travel surge.
Kaugnay nito, tiniyak ng Civil Aviation Authority of the Philippines na handa silang umagapay sa mga pasahero na mangangailangan ng tulong.
Pinayuhan naman ni Caap Spokesman Eric Apolonio ang mga pasahero na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.
Matatandaang isinailalim sa heightened alert ang mga paliparan sa buong bansa noong December 15, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season.