Sarah Lahbati, balik-TV

MALAPIT na uling mapanood sa TV ang misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa adaptation ng pelikula ni Rudy Fernandez na Lumuhod ka sa Lupa.

Si Sarah ang magiging bidang babae sa parating ng programa sa TV5; makakasama niya rito sina Kiko Estrada at Sid Lucero.

Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ay isang 1986 action film na pinagbidahan ng namayapang si Rudy Fernandez.

Kasama rin niya rito sina Eddie Garcia, Jackie Lou Blanco, Mark Gil at Ricky Davao.

Ang huling TV appearace ni Sarah ay sa action series na Iron Heart nitong Oktubre, na pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

Matatandaang napaharap ang mag-asawa sa ilang tsismis nitong mga nakaraang buwan na sila ay maghihiwalay. Hindi ito kinumpirma ni Sarah, ni ang mister nito. Pero lalong umugong ang isyung hiwalayan dahil sa post ng nanay ni Richard na si Anabelle Rama tungkol sa isang “devil woman” na ayon sa ilang netizens ay diumano, tumutukoy kay Sarah.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...