Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagsasagawa ng bloodletting program at pagkakaloob ng libreng bakuna para sa mga senior citizen bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-46 kaarawan.
Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Cardinal Santos Medical Center, kung saan nakiisa sa naturang programa ang mga tauhan ng PNP, BFP, at BJMP.
“Ako po ay talagang natutuwa sa dami ng pumunta upang magbigay ng kanilang dugo. Nakakataba po ng puso at ito po ang pinakamagandang birthday gift na maaari kong matanggap — ang dugo ng San Juaneño, para sa San Juaneño,” ayon kay Mayor Zamora.
Bilang pasasalamat sa mga nakilahok sa programa, nagkaloob ang LGU ng red bags na naglalaman ng tatlong kilong bigas at canned goods.
Samantala, nagkaloob din ang City Health Department ng libreng bakuna sa influenza at pneumococcal vaccinations para naman sa senior citizens at persons with comorbidities.
Maliban dito, asahan ang iba pang programa para sa kaarawan ng alkalde ng San Juan City.
Bloodletting program, libreng bakuna handog ni Mayor Zamora sa kanyang ika-46 kaarawan
Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagsasagawa ng bloodletting program at libreng bakuna para sa mga senior citizen bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-46 kaarawan.
Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Cardinal Santos Medical Center, kung saan nakiisa sa naturang programa ang mga tauhan ng PNP, BFP, at BJMP.
“Ako po ay talagang natutuwa sa dami ng pumunta upang magbigay ng kanilang dugo. Nakakataba po ng puso at ito po ang pinakamagandang birthday gift na maaari kong matanggap — ang dugo ng San Juaneño, para sa San Juaneño,” ayon kay Mayor Zamora.
Bilang pasasalamat sa mga nakilahok sa programa, nagbigay ang LGU ng red bags na naglalaman ng tatlong kilong bigas at canned goods.