Tulak huli sa P340-K shabu sa QC

Arestado ang isang drug peddler matapos makuhanan ng P340-K halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng Kamuning Police Station (PS 10), kahapon ng madaling araw sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Kinilala ni PLtCol. Robert Amoranto, Station Commander ng PS 10 ang naarestong susek na si Paolo Bien Nash, 45-anyos, residente ng 138 Cambridge St., Brgy. E. Rodriguez, Quezon City.

Inaresto ang suspek bandang 12:05 Martes ng madaling araw matapos ang koordinasyon sa pag-aresto sa suspek makaraan ang ikinasang buy-bust operation at magkabentahan ng droga na halagang P40,500.00 sa isang pulis na umaktiong buyer.

Nakumpiska mula sa suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 ang halaga, isang pouch, cellular phone, at buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang susek at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...