MAY kabuuang 39 Pilipino na nananatili pa rin sa Gaza Strip ang inaasahang makatatawid din
sa Rafah border Crossing sa mga susunod na araw.
Ito ang kinumpirma nitong Linggo ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo
Cacdac.
Sinabi ni Cacdac sa mga mamamahayag na ayon sa impormasyon na inilabas ng Philippine
Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 98 ang bilang o 71.5 percent sa 137 na
mga Pinoy na nasa Gaza, ang nailikas na sa Egypt.
Aniya pa, patuloy daw na kumikilos ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para magbigay ng
assistance sa lahat ng mga Pilipino na tatawid at nakatawid na mula sa Gaza. Ilan sa mga
naunang grupo ng Pilipino na may asawang Palestian nationals ang hindi pinayagan ng
pamahalaan ng Israel na makalabas ng Gaza, pero dahil sa pakikipagtulungan ng United States
at Qatar, pumayag din ang Israel.
Nauna nang sinabi nitong Sabado ng border authority sa Gaza, na muling bubuksan sa Linggo
ang Rafah Crossing para sa foreign passport holders pati na kani-kanilang dependents.
Samantala, ayon sa Al-Jazeera, umabot na sa 11,078 Palestinians ang napatay sa digmaan sa
pagitan ng Israel at Hamas, magmula nang nagsimula ito noong Oktubre 7. Sa panig ng Israel,
mahigit 1,400 na ang napapatay kabilang ang mahigit 30 Israeli soldiers.
Kinukumbinsi ni US President Joe Biden na itigil muna ang operasyong militar sa Gaza sa loob
ng tatlong araw para makatulong sa negosasyon sa pagpapalaya sa mga bihag.
Dahil sa kakulangan ng fuel para sa generators at hospital supplies, sinabi ng Red Cross na
nahihirapan ang ilang ospital sa Gaza na gamutin ang mga nasaktan sa digmaan. Sinabi rin
nito na pinaputukan ang ilang humanitarian aid convoy para magdeliver ng pagkain at gamot,
pero nakumpleto naman daw ang delivery.
Ayon sa tatlong human rights groups sa Gaza, nahaharap daw sa etnikong pagpatay o ethnic
cleansing ang 1.5 milyong Palestinians dahil sa patuloy na pambobomba ng mga eroplano ng
Israel. Hinihiling nila ang tulong ng Arab countries para maitigil na ang digmaan.
39 Pinoys, makatatawid na rin sa Gaza; mahigit 11,000 ang napatay sa digmaan
Pope Francis inalmahan ng African Bishops: same-sex union ‘labag sa utos ng Diyos'
Produktong gawa sa niyog at durian tampok sa IFEX Philippines 2024
PH Ambassador, ipinatawag ng China matapos batiin ni PBBM ang bagong lider ng Taiwan
Japan, magpapadala ng ‘aircraft carrier’ sa PH naval drill
7 Pinoys nawawala, 22 ang nailigtas sa digmaan sa Israel
62% Filipino Professionals, nais nang umuwi ng ‘Pinas
17 Pinoy scholars, kailangan ng South Korea
Humanitarian aid sa Gaza , ninakaw ng Hamas?