Dapat busisiin ng CHED ang patakaran ng RTU dahil sa 2 suicide

SINABI ng isang grupo na dapat busisiin at imbestigahan ng CHEd ang patakaran ng Rizal
Technological University (RTU), matapos mag-suicide si Yuan Lorenzo Magdato, isang Grade 7
student nitong nakaraang Oktubre.


Sinabi ng Sociedad Filipino Intelligente (SFI) na base sa online interview sa programa ni
Senador Raffy Tulfo kamakailan, sinabi ng registrar ng RTU na “five-day suspension” daw ang
parusa sa isang estudyante na nahuling nandaraya sa unang pagkakataon daw na mahuli ito.


Ayon kay Isah Molato, tagapagsalita ng SFI, ang polisiyang ito – kung sakali ngang tama ang
sinabi ng registrar – ay tuwirang paglabag sa R.A.No. 7610 o ang batas na nagbibigay
proteksyon sa mga kabataan laban sa pang-aabuso, eksploytasyon at diskriminasyon, ganoon
din ang R.A. No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act.


Kahit na itinanggi ng opisyal ng RTU na hindi nila sinuspindi o ipinahiya ang batang nag-suicide.
Ayon sa ilang estudyante ng RTU, hindi raw magpapakamatay si Yuan kung hindi siya labis na
ipinahiya. Matatandaang ipinakita ng ina ng bata sa programa ni Tulfo and handwritten na
mensahe ng bata sa papel na sinabing “suspended” siya.


Ayon sa isang post sa www.reddit.com nitong Okt. 21, “May grade 7 student daw na nag suicide
sa RTU Boni Campus. Nag cheat daw sa exam and pinahiya ng teacher sa buong klase.


Matalino raw yung bata at sabi dahil sa sobrang pressure raw sa school. Na trigger na lang siguro yung napahiya siya sa klase. Ang sakit isipin na sa murang edad nagawa nya na yun.


Sana man lang naging considerate yung teacher at kinausap na lang privately yung bata,” ani
r/OffMyChestPH Matatandaan na nito ring Oktubre, tumalon sa isang mall sa Mandaluyong ang isa pang estudyante ng RTU, si Jessa Lojo, 18, first year BS Physical Education student.

Siya ay namatay matapos tumalon sa ikalimang palapag ng isang mall. Siya ay ideneklarang dead on arrival ng The Medical City.


Ayon sa isang ina ng college student na nag-aaral sa RTU, sobrang higpit daw ang patakaran
ng RTU at tila, hindi makatao, walang konsiderasyon, at ang akala nila ay puro genius ang
kanilang estudyante, kaya dahil sa sobrang taas ng standard, marami ang bumabagsak at
marami rin ang dumaranas ng chronic depression, na maaaring humantong sa suicide.


Susubukang makipag-ugnayan ng SFI sa Senado para magkaroon ng Senate hearing dahil sa
magkakasunod na suicide na ginawa ng mga estudyante nito.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...