33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Ligtas Undas 2023 sa QC tiniyak

Tiniyak sa publiko ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamumuno ni Director, Police Brigadier General Redrico A Maranan, na paiigtingin ang mahigpit na police visibility sa lahat ng sementeryo sa siyudad bilang paggunita ng All Souls at All Saints Day 2023.

Kasunod nito ang pagtatalaga ng mahigit 3,864 personnel sa mga bus terminals, MRT/LRT stations, malls, cemeteries, at columbarium sa Quezon City para masiguro na ligtas ang publiko.

Maglalagay din ng Assistance Hubs (AHs) sa mga sementeryo para makatulong sa mga dadalaw sa puntod ng kanilang lumisan na mahal sa buhay.

Hinihikayat din ang publiko na ipagbigay-alam sa otoridad kung may kahina-hinalang tao o kilos sa lugar para agad na marespondehan at mapigilan kung negatibo man ito 

Samantala, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng anti-criminality operations upang hindi manamantala ang mga masasamang loob sa panahon na walang tao sa lugar o bahay, kaya naman pinapayuhan na siguraduhing nakasara ang lahat ng bintana at pinto ng bahay bago umalis.

BASAHIN  Natatanging kababaihan ng NCRPO tumanggap ng parangal

“Pinapaalalahanan po natin ang ating mga kababayan na mag-ingat at sumunod sa mga panuntunan ng ating lokal na pamahalaan para sa isang ligtas na paggunita ng UNDAS 2023. Mahigpit po na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga matatalim na bagay, baril, alak o anumang uri ng inuming nakakalasing at pagsusugal sa loob ng sementeryo,” saad ni PBGen. Maranan

“Kung sakali man pong may mapansin kayong kahina-hinala sa inyong kapaligiran ay huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa ating mga kapulisan sa pamamagitan ng pagtawag sa QC Helpline 122 at sinisigurado namin na maaaksyonan ang inyong suliranin o hinaing.  Makakaasa po kayo na hindi hahayaan ng pamunuan ng QCPD na samantalahin ng mga criminal o mga masasamang grupo na makagawa ng anumang bagay na makasisira sa kaayusan at seguridad ng ating pamayanan,” dagdag pa ni QCPD director

BASAHIN  3 stall sa Puregold nilimas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA