AYON sa WebMD website, patuloy na tumataas ang bilang ng mga namamatay at naoospital sa
United States dahil sa regular na paghitit ng vape.
Isa sa mga malulubhang kaso sa US si Rashelle Bernal, na na-coma dahil sa paggamit ng vape.
Isa lamang siya sa halos 3,000 naospital magmula noong 2020 dahil sa malulubhang sakit sa
baga sanhi nang paggamit ng vape. Umabot na sa 68 ang namamatay sa vape sa bansang ito,
karamihan sa kanila ay mga kabataan at middle-age.
Sinabi ng isang eksperto mula sa MayoClinic na ang isang kabataang nasa late teens na patuloy
na humihitit ng vape (heavy smoker) sa loob ng mahigit sa dalawang taon, ay magkakaroon ng
iba’t ibang respiratory diseases at maikukumpara ang kanyang baga sa isang senior citizen.
“Never use vape, it may kill you,” pagtatapos nito.