Adik na tulak pa, huli sa shabu

Nasakote ng Pasig Police ang isang lalaki matapos magbenta ng shabu sa isang pulis na umaktong buyer ng illegal na droga sa ikinasang buy bust operation, kaninang madaling araw sa Pasig City.

Nakilala ang suspek sa alyas na “Benjie”, 20-anyos, ALS graduate at  resident ng Brgy. San Joaquin, Pasig City ang kinasuhan ng paglabag sa R.A. No. 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa report ng Pasig City Police Station sa pamumuno ni PCol. Celerino Sacro, inaresto ang suspek bandang 2:00 Huwebes ng madaling araw matapos ang isinagawang buy bust operation para linisin at sugpuin ang illegal na droga sa Pasig.

Sa isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Pasig CPS Station Drug Enforcement Unit at San Joaquin Police Sub-Station (SS4), nagsagawa ng buy bust sa kahabaan ng Elisco Road, Brgy. San Joaquin, Pasig City matapos magkasundo ang suspek at ang police poseur buyer na magkita at magkaliwaan.

At nang aktong tatanggapin na ang buy bust money ay doon na dinamba ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang  aabot sa 90 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P10,800.00 at buy-bust money.

Dinala ang mga nakumpiskang droga sa EPD-Forensic Unit, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kaso

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...