33.4 C
Manila
Sunday, December 22, 2024

Mga walang trabaho, Nabawasan

BUMABA sa 4.4. percent ang bilang ng mga walang trabaho ngayong Agosto, ayon sa
Philippine Statistics Authority (PSA) kahapon.


Mas mababa ito ng 0.4 percent kaysa naitalang 4.8 percent nitong Hulyo, na katumbas ng 2.27
milyon katao.

Ayon pa sa PSA, “In the previous month, the unemployment rate was posted at 4.8%. In terms
of magnitude, there were 2.21 million unemployed Filipinos aged 15 years and over in August
2023.”


Dahil sa gumagandang business athmosphere sa bansa, ang dating 47.85 milyong nagtatrabaho
ay tumaas sa 49.78 milyon nitong Agosto.


Bumaba rin sa 14.7 percent ang underemployment rate o yaong hindi full-time o kulang ang
oras sa pagtatrabaho kaya kulang ang kinikita para sa pang-araw-araw na gastusin.

BASAHIN  P1-M nilustay ng CHEd sa iphone, kamiseta - CoA


Ipinaliwanag ng PSA, “Visible underemployment rate or the proportion of underemployed
persons working less than 40 hours in a week was posted at 7.5 percent in August 2023.

On the other hand, invisible underemployment rate or the proportion of underemployed persons
working at least 40 hours a week was placed at 4.2 percent.”


Lumabas din sa datos na mas mataas ang employment rate ng mga lalaki, na nasa 96 percent,
kaysa mga babae na 95.1 percent lamang. Pero mas mataas ang underemployment sa mga
lalaki na 13.1 percent kaysa mga babae, 9.7 percent.


Lumabas ang impormasyong ito matapos ianunsyo ng PSA ang pagtaas ng inflation rate sa 6.1
percent ng nakaraang buwan, dulot nang mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, pati na mga
pangunahing bilihin.

BASAHIN  Gastos sa kampanya, dapat itaas - Lapid

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA