33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Cong. Edward hagedorn, pumanaw na

PUMANAW na ang Palawan D3 Rep. Edward Solon Hagedorn kahapon ng umaga, ayon sa
kanyang official social media page.


Si Hagedorn ay 77 anyos na sa Oktubre 12.


Nagsilbing mayor si Hagedorn ng Puerto Princesa City magmula 1992–2001 at 2002–2013.
Nakilala siya dahil sa hindi matatawarang mga nagawa sa pangangalaga sa kalikasan at sa
larangan ng turismo.


Bilang mayor, kinilala ang Puerto Princesa bilang isang mahusay na destinasyon sa eco-
tourism at modelo para sa pangangalaga sa kapaligiran sa buong mundo.


“Cong. Ed’s life speaks volumes, particularly in his role as a champion for the environment,
tourism, agriculture, and peace and order.,, It’s hard not to be infected by his energy and
laughter, which he freely shares with everyone he encounters,” ayon sa Facebook page ng
kongresista.

BASAHIN  Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic


Noong Pebrero 27 ng taong ito, isiniwalat ni Hagedorn na mayroon siyang pancreatic cancer
sa isang flag-raising ceremony sa city hall ng lungsod.

Ayon kay Laguna Rep. Marlyn Alonte, si Hagedorn ay isang “environment crusader” at
“guardian of Palawan”.


Noong 1996 isinapelikula ni Fernando Poe Jr. ang kanyang buhay na pinamagatang Hagedorn.
Umani ito nang paghanga sa mga manonood lalo na mula sa mga grupong makakalikasan.
Nakikiramay ang buong staff ng BraboNews sa mga naulila ng isang mahusay,
mapagkakatiwalaang lingkod-bayan.

BASAHIN  Anak ng dating That’s Entertainment member, namatay sa aksidente

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA