NAG-VIRAL kamakailan sa internet ang pagbisita ni dating Senador Manny Paquiao sa Timor
Leste, dahil sinalubong siya nang pinatalsik na Negros Oriental congressman Arnolfo “Arnie”
Teves Jr.,
Ayon kay Department of Justice (DoJ) spokesperson Mico Clavano, nagkaroon ng “chance
encounter” sina Pacquiao at Teves sa airport ng Timor Leste.
“Nakakuha rin kami ng statement galing sa kampo ni former senator Manny Pacquiao na ito ay
isang chance encounter lamang po at hindi naman sinadya na magkita sila doon sa mismong
airport,” dagdag pa ni Clavano.
“Alam naman natin na andoon talaga siya sa Timor-Leste. Ngayon, it’s without a doubt (na si
ex-congressman Arnie Teves iyon),” pahayag ni Clavano sa isang interview.
Ayon sa report, nagtungo si Paquiao sa bansang ito matapos maimbita nina President Jose
Ramos Horta at Prime Minister Kay Rala Xana Gusmao para sa pagdiriwang ng Araw ng
Kalayaan ng kanilang bansa. Si Pacquiao ang panauhing pangdangal.
Sa nag-viral na video, sinalubong ni Teves, na naka-puting t-shirt at shades si Pacquiao at
nagyakapan sila.
Matatandaang itinuturing na isang fugitive si Teves dahil may arrest warrant na siya mula sa
isang Korte sa Maynila, kaugnay sa pagiging utak sa pagpatay kina Negros Oriental Governor
Roel Degamo at walong iba pa noong Marso 4, 2023.