Wanted na Totoy na taga-Misamis, nasakote sa QC

Nasakote ng tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9 (PS-9) ang isang menor de edad na may asuntong No. 1 Municipal Level Most Wanted Person sa Lugait, Misamis Oriental matapos hainan ng Warrant of Arrest, kamakalawa sa Barangay San Vicente, Quezon City.  

Nakilala ang akusado na si Owen Kian  Falabrica, 19-anyos, residente ng Lourdes St., Brgy. San Vicente, Quezon City na may pending Warrant of Arrest sa kasong Rape na inisyu ni  Hon. Jamel Tabao Mamutuk, Presiding Judge ng Branch 44, Regional Trial Court (RTC), 10th Judicial Region, Initao, Misamis Oriental, ang nahuli ng mga tauhan ng  Anonas Police Station (PS 9).

Ayon kay PLTCol. Ferdinand Casiano, hepe ng PS-9, inaresto ang suspek bandang 5:00 Huwebes ng hapon sa Brgy. San Vicente, Quezon City matapos ang pinaigting na manhunt investigation laban sa suspek.

Kasaluluyang nakakulong ang menor de edad na suspek sa PS-9 detention cell habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento ng paglilipat sa kanya sa Misamis Oriental.

Samantala, pinarangalan naman ni QCPD Director, PBGen. Redrico A Maranan ang mga tauhan ng PS-9 sa paghuli sa suspek.

“Ipagpatuloy nating tugisin ang mga nagkakasala sa batas upang hindi na ulit sila makagawa ng masama. Sa ating mga kababayan, makipag ugnayan po agad sa ating kapulisan kung mayroong kahina hinala sa inyong lugar”, ayon kay PBGen. Maranan

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...