33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

P76-M Cocaine, nahuli sa 2 Singaporean

NAARESTO kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang dalawang
Singaporean ‘drug mule’ na may dalang 14,360 gramo ng pinaniniwalaang cocaine na may
street value na P76.1 milyon.

Kinilala ang mga suspects na nagmula pa sa Doha, Qatar, na sina Siti Aishag Binte Awang, 63,
waitress at Nur Alviyaj Binti Kanaffe, 39, make-up artist.


Bago sila nasakote ay naalerto na ang mga ahente ng NAIA-IADITG at PDEA dahil sa
nakatanggap nilang A-1 intelligence information na bumabanggit sa dalawang suspeks na may
dalang cocain na nakalagay sa mga lata ng biscuits.


Kasalukuyang dumadaan sa masusing iniimbestigasyon ang dalawang Singaporean suspects
at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous
Drugs Act of 2002, na may parusang life sentence at multang aabot sa P500,000.

BASAHIN  Mahigit ₱80-K halaga ng iligal na droga, nasabat sa Malabon City

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA