33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

P15-K, tinanggap na ng 32 manininda ng bigas sa Zambo Sur

MAGSISIMULA nang ibinibigay ang P15,000 cash na ayuda sa 32 mga manininda ng bigas sa
Zamboanga del Sur.


Ito ang iniulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Department of Agriculture (DA) at
Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan.


Nakatanggap din kahapon ng tulong-pinansiyal ang 15 rice retailers sa Pateros, 161 sa Navotas,
at 129 sa Parañaque, pawang nasa National Capital Region (NCR).


Namigay na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Sabado ng
P15,000 – sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) – sa rice retailers sa mga lungsod ng
Quezon, San Juan, at Caloocan.


Sa Lungsod ng San Juan, pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang P15,000 cash subsidy
mula sa DSWD – kasama ng karagdagang P5,000 cash assistance ng pamahalaang lungsod – sa
mga manininda ng bigas sa Agora pubic market. Hindi rin sila pinagbayad ng renta sa loob ng
isang buwan.

BASAHIN  Sagupaan ng Militar at NPA sa Masbate, 1 patay


Matatandaang iniutos ni Pangulong Marcos ang paglabas ng ayuda para sa mga malilit na
manininda ng bigas matapos niyang ipalabas ang E.O. No. 39 na nagtatakda ng price ceiling na
P41 para sa regular-milled rice at P45 para sa well-milled rice, sa harap nang patuloy na pagtaas
ng presyo ng butil sa mga palengke sa buong bansa.


Samantala, sinabi ni Agriculture USec. for Rice Industry Development Leo Sebastian, na mahigit
two million metric tons ng palay ang nakatakdang anihin sa Setyembre at three metric tons sa
Oktubre.


Pero patuloy na umaaray ang mga magsasaka sa Central Luzon dahil binabarat ng rice traders ang
kanilang palay sa halagang P17-P18 lamang, higit na mababa sa P20-22 na dating presyo sa
merkado.

BASAHIN  P66-M: Sweldo ng 33 opisyal ng DSWD

Wala pang aksyon ang DA sa hinaing ng mga magsasaka na lumabas sa mainstream media
kamakailan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA